Pasko na sinta ko Pasko na, sinta ko hinahanap kita. Bakit nagtatampo't nilisan ako? Kung mawawala ka sa piling ko sinta, paano ang Paskong inulila mo? Sayang sinta ang sinumpaan at pagtitinginang tunay. Nais mo bang kalimutan ang lahat nang ating suyuan at galak? Kung mawawala ka sa piling ko sinta, paano ang Paskong inulila mo. Sayang sinta ang sinumpaan at pagtitinginang tunay. Nais mo bang kalimutan ang lahat nang ating suyuan at galak? Kung mawawala ka sa piling ko sinta, paano ang Paskong alay ko sa'yo?